Mga Pahina

Translate

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Kabbalah



















Kabbalah, binabaybay ding KabbalaQabbalah o Qabala (Ebreoקַבָּלָה‎, literal na "pagtanggap") ay isang disiplina at paraalan ng kaisipan na nakatuon sa mistikongaspeto ng Hudaismong Rabiniko. Isa itong pangkat ng esoterikong mga pagtuturo upang ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng walang-hanggan at mahiwagangManlilikha at ng mortal at may-hangganang sansinukob o uniberso na kanyang nilikha. Habang labis na ginagamit ito sa ilang mga denominasyon, hindi ito isang denominasyon sa loob at ng sarili nito; isa itong pangkat ng mga eskritura o kasulatan na umiiral sa labas ng tradisyunal na Kasulatang Hudyo. Hinahanap ng Kabbalah ang kalikasan ng santinakpan at ng tao, ang kalikasan at layunin ng pag-iral, at sari-sari pang mga katanungang ontolohiko. Inihaharap din nito ang mga paraan upang makatulong sa pag-unawa ng mga konseptong to at ng sa gayon ay makamit ang pagkawaring pang-espiritu. Orihinal na umunlad ang Kabbalah sa loob ng nasasakupan ng kaisipan ng Hudaismo at madalas na gumagamit ng klasikong mapapagkunang panghudyo upang ipaliwanag at ipakita ang mga pagtuturong esoteriko. Kung gayon ang mga pagtuturong ito ay pinanghahawakan ng mga kabalista upang ilarawan ang panloob na kahulugan ng Tanakh (Bibliyang Hebreo) at tradisyunal na panitikang rabiniko, pati na ang pagpapaliwanag ng kahalagahan ng panghudyong Halakha o pagsasagawang pangpananampalataya.[1]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento